Bubuo ang Larong­ Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) ng malakas na women’s indoor volley squad sa pagsahog ng dalawang Filipina-American sa paghahandaang mga internasyonal na paligsahan matapos ang dalawang araw na tryout noong Huwebes at Biyernes sa Arellano University Gym, Menlo, Pasay City.

 

 

Nabatid kahapon kay LVPI President Peter Cayco na nakatakdang pangalanan ng coaching staff ang komposisyon ng 20 players pool sa susunod na 10 araw bago ihayag ang mga mapapabilang sa national team.

 

Nasa 39 players na pinangunahan nina Alyssa Valdez, Aby Marano, Mika Reyes at Denden Lazaro ang bumahagi sa tryout na pinamahalaan nina national coach Shaq delos Santos at assistant coaches Bryan Esquibel at Emilio Reyes.

 

Hiwalay sa 20 players,­ nasa radar din ng LVPI ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat na mga naglalaro nga­yon sa Japan V-League, at ang dalawang Fil-foreign players na papangalanan lang kapag naayos na ang kanilang Philippine passports.