Dinakma ng mga ope­ratiba ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS) ang da­lawang ‘hired killers’ na sinasabing nasa likod sa pagpatay sa isang negosyanteng Intsik, dalawang taon na ang nakakalipas sa may Vicente Cruz Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay SPO2 ­Richard Escarlan, imbes­tigador ng MPD-HS sinampahan ng kasong murder sa Manila Pro­secutors Office kahapon ng umaga ang mga suspek na sina Jayvee Marinas, 30, trike driver at Richmond Perez, 28, delivery boy at kapwa taga-836 Valdes St., Sampaloc, Maynila.

Pinaghahanap naman ang ‘mastermind’ na nakilalang si Romeo Fuentes, kasosyo sa negosyo ng biktimang si Mary Li, 58 at franchise owner ng Mang Inasal Food Chain na sinasabing siyang nagbayad ng P50,000 para ipalikida kina Marinas ang biktima noong Agosto 9, 2014 ng hapon.

Napag-alaman din na ang dalawang naaresto ay sangkot din sa mga kaso ng holdapan.