2 holdaper sa N. Ecija arestado

arrested

GAPAN CITY, Nueva Ecija — Inabutan at naaresto ng mga tumugis na mga residente ang dalawang holdaper makaraang matanggal ang kadena ng kanilang motorsiklo habang papatakas noong Linggo ng gabi sa may Maharlika Hi-way, Brgy. Malimba rito.

Ayon sa ulat, naholdap ang mag-inang Crislyn Quizon Pascual, 35 at anak na si Gerleen Kriz, 12-anyos, kapwa residente San Miguel, Bulacan at natangay ang 3 cellphone at gold jewelries na nagkakahalaga ng P30,000 piso.

Minalas na masakote ang mga salarin na sina Jomar Francisco Ramos alyas ‘Momay’ at Jeffrey Tadeo Pecayo alyas ‘Eple’, kapwa residente ng Brgy. Mangga, San Isidro, Nueva Ecija, ng taong bayan dahil sa kumalas na kadena ng kanilang motorsiklo.