Dalawang lalaki ang inaresto matapos maaktuhang bumabatak ng iligal na droga sa Makati City.
Nakilala ang mga suspek na sina Corwen Birung at Joebert Tagao na nasa kustodiya ng Southern Police District (SPD)
Sa ulat ng Makati police, naaktuhan ng mga rumespondeng pulis ang dalawang suspek habang kasarapan ng shabu session sa loob ng bahay.
Sa tinanggap na report ni Sr. Supt. Tomas Apolinario Jr., Director ng Southern Police District,(SPD), bandang alas-9:00 ng gabi, nang isagawa ang pagdakip sa mga suspek sa bahay ni Tagao sa Mileguas St., Brgy. Guadalupe Viejo.
Nakumpiska ng operatiba ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang strip ng aluminum foil at dalawang disposable lighter na gamit sa paghitit ng iligal na droga.
Sasampahan ang dalawang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (9165).