CABIAO, Nueva Ecija — Itinumba ng mga hindi pa nakilalang salarin ang dalawang hinihinalang sangkot sa extortion activities, noong Huwebes ng hapon sa may Purok 1, Brgy. Bagong Sikat, sa bayang ito.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Antonio Yarra, NE police director, nakilala ang mga biktima na sina Hideon Hermosura Cariño, 50, dating sundalo ng Philippine Army, residente ng Brgy. San Agustin Norte, Arayat, Pampanga; at Michael Mesina Dayao, 45, deputy bantay leader ng Brgy. San Vicente, Cabiao, Nueva Ecija.
Nabatid na dakong alas-siyete ng umaga dumayo ang dalawa sa birthday celebration ni Merting Dela Cruz sa Brgy. Luyos, San Antonio, Nueva Ecija, sakay ng motorsiklong may plakang 1318 PY.
Dakong alas-dos ng hapon noong umalis ang mga biktima at pabalik na noong mangyari ang panamaril sa Brgy. Bagong Sicat.
Pasado alas-dos ng hapong iyon ay nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril si Richardson Algas Salonga, 35, bantay sa sanitary landfill sa pinangyarihan ng krimen at nakita ang mga suspek na riding in tandem na may bitbit na armalite rifle.
Ayon sa pulisya, si Cariño ay miyembro ng gun for hire at sangkot sa extortion activities sa mga bayan ng Arayat, Pampanga; Cabiao, at San Antonio sa Nueva Ecija.
Si Dayao ay kapatid umano ng namayapang si Albert Dayao, alyas Kumander Limbas ng Hukbong Mapagpalayang Bayan (HMB) na napatay noong 2009. Napasama pa si Dayao sa mga na-tokhang noong Marso 8, 2016.
SALAMAT NAMAN NABAWASAN ANG MGA PUSHER NA ADIK…..MAGAGALIT NNAMAN SILA CHR AT IHR……NABAWASAN ANG MGA RUNNER NILA NG SHABU!!!……HAHAHAHAHA
MALAMANG EJK ANG PAGKAMATAY NILA.