Kalaboso ang dalawang kalalakihan makaraang makuhanan­ ang mga ito ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu kamaka­lawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Kinilala nina PO1 Joseph Garab at PO1 Hushi Sali ng MPD-PS3 ang mga nadakip na suspek na sina Eric Mendoza, 24, taga-14 Fraternal St., Quiapo, Maynila; at Reynaldo Dizoy Qizon, 22, ng 701 Galici St. Sampaloc, Maynila.

Nabatid na dakong alas-7:45 ng gabi habang nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang mga pulis nang masita at makuha sa posesyon ng dalawa ang mga sachet ng shabu.

Dahil dito ay inaresto ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa R.A 9165 – Violation of Section 5 (Distribution of Dangerous Drugs) at Section II (Possesion of Dangerous Drugs).