2 kalsada sa CAR gumuho kay ‘Carina’

Isinara sa mga sasak­yan ang dalawang kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa landslide dito na epekto ng bagyong ‘Carina’.

Sa inilabas na abiso ng Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance (DPWH-BOM), nananatiling hindi madadaanan ang Abra-Kalinga Road na isinara kasunod ng landslide.

Hindi rin madaanan­ pa ang Kabugao-Pudtol-Luna Road sa Apayao dahlia sa pagkasira ng detour road ng Nagyadan Bridge No. 2.

Naglagay na rin ang DPWH ng warning signs at mga barikada sa mga na­a­pektuhang ­kalsada habang isinasagawa ang clea­ring operation at backfilling.

Sa inisyal na datos, aabot sa P249 milyon ang nasirang mga lansangan at tulay dahil sa epek­to ng tropical storm Carina.