2 kelot bumulusok sa kamatayan sa Batangas

Patay ang dalawang lalaki na parehong nahulog mula sa gusali sa magkahiwalay na aksidente sa Batangas kamakalawa.

Unang iniulat ang pagkasawi ng welder na si Menjoe Madrigal y Magboo, 26-anyos, stay-in worker sa Citi Hardware sa Brgy. Marawoy kamakalawa ng umaga nang mapaapak sa malambot na flooring at bumulusok pababa mula sa may 30 talampakang taas ng gusali.

Nakita namang nakabulagta at wala ng buhay sa sementadong kalsada ang bangkay ni Danilo Magdadaro y Ursal, 44-anyos, ng Brgy. Guinhawa, Tuy, Batangas, bandang alas-kuwatro ng hapon na hinihinalang nahulog mula sa itaas ng puno.