Swak sa kulungan ang dalawang lalaki na nagnakaw umano ng diaper sa isang warehouse sa Valen­zuela City, kamakalawa.

Sa nakalap na ulat, kinilala ang mga suspek na sina Aljon Gacusan, at Arca Largo na nagnakaw sa CHKP Enterprises na pag-aari ni Michael Ho at matatagpuan sa Peta St., First Insdustrial, Don Pablo, Rincon ng nasabing lungsod.

Nabatid na nadiskubre ng may-ari ang sapilitang pagbukas sa likurang bintana ng kanyang warehouse. Dito na nito natuklasan na nawawala ang siyam na bundle ng diaper na nagkakahalaga ng P20,000.

Nagsumbong ang negosyante sa pulisya na nagresulta sa agarang pagkahuli sa mga suspek.

May nakakita umano sa mga suspek na may dalang mga diaper at sumakay sa isang tricycle.