Nalambat kahapon nang hapon ng mga miyembro ng Bolinao Police Station (BPS) follow-up team ang dalawang suspek na umano’y pumatay sa isang transgender sa pamamagitan ng paggilit sa leeg at hiwain sa mata sa beach resort sa Brgy. Patar, Bolinao, Pangasinan noong Setyembre 18 nang madaling-araw.

Kinilala ni BPS chief-of-police P/Maj. Dennis Cabigat ang suspek na sina Isagani Dollaga at Michael Orpano, parehong nakatira sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Cabigat, nagalit umano si Dollaga dahil ipinagkakalat nitong may relasyon sila ng biktimang si Jestoni Remiendo alyas ‘Jessa’, 29-anyos, ng Alaminos, Pangasinan, kaya kasama si Orpano ay tinodas nila ang biktima.

(Allan Bergonia)