Nakasalalay sa situwasyon sa coronavirus disease 2019 at pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kapalarawan dalawang international sportfest na tokang itaguyod ng bansa bago matapos ang taon.
Ang mga ito ay ang 10th ASEAN Para Games (APG) na ilang beses nang naipagpaliban at ang 11th Brunei, Indoneisia, Malaysia, Philippines East Asian Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games (BIMPEAGAFG).
Isa sa importanteng agenda ng PSC Board sa nausog na virtual meeting noong Biyernes ang dalawang programa sa taong ito, una ang pending P450M na magagasta para sa APG na inurong sa pangatlong pagkakataon sa darating na Oktubre sa Luzon .
Ang ikalawa ay ang pagho-host ng BIMPEAGAFG sa Disyembre sa Davao City.
Nabawasan ang pondo sa General Appropriatiions Act (GAA) bukod pa sa hindi din matanggap ng dapat makuha sa iba pang source dahil sa dinaranas na coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Problemado na ang ahensiya para sa buwanang allowances ng national athletes at coaches, maging sa suweldo ng mga empleyado nito dahil sa kawalan ng remittance mula sa mga hindi kumikita sa kasalukuyang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Horseracing Commission at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa virus pandemic.
Nakatakdang magpulong ang PSC Executive Board na binubuo nina Chairman William Ramirez at Commissioners Charles Raymond Maxey, Ramon Fernandez, Arnold Agustin at Fatima Celia Kiram para pagpasyahan ang kalagayan ng nabanggit na dalawang paligsahan.
Una nang naapektuhan dahil sa pagbawas sa PSC annual budget ang Batang Pinoy, Philippine National Youth Games, Sports Summit at ang UNESCO awardee Children’s Games. (Lito Oredo)