Natagpuang wala nang buhay ang dalawang babaeng Korean national sa kanilang inuupahang apartment sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na im­bestigasyon ng mga pulis, sinasabing parehong nagpakamatay ang dalawang hindi pa nakikilalang Koreana sa loob ng kanilang apartment sa Unit 12, Buenavida Apartment, ­Purok 5, Brgy. San Sebastian, Lipa City.

Bandang alas-5:30 ng hapon nang madiskubre ng kapitbahay ng mga biktima ang dalawang bangkay na nakabigti mula sa steel grills ng bintana.

Tatlong testigo ang nagpahayag na posible umanong dahil sa problema sa pera ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalawa.

Tatlong buwan na rin umanong htindi nakakabayad sa apartment ang mga ito at naputulan na rin ng kuryente ang bahay.

Napapansin din ng mga kapitbahay na problemado ang dalawa at nangungutang na lamang sa kanila ng pang-araw-araw na pambili ng pagkain.