Kinuyog ng mga residente ng isang barangay ang dalawang kalalakihang umano’y mga holdaper at nambiktima ng matandang lalaking taxi driver sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ganap na alas-10:00 pasado nang gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Judge Jimenez Street, Barangay Bungad ng nasabing lungsod.
Ayon sa biktimang si Victorino Macarana, 60, pinara siya ng mga suspek na sina Ian Dominic Alonzo at Charles Jed Lopez sa Valenzuela City saka nagpahatid sa Roosevelt.
Pagdating sa Judge Jimenez Street ng nasabing lugar ay bigla na lamang umanong tinutukan siya ng tig-isang patalim ng mga suspek saka nagdeklara ng holdap.
Mabilis naman umanong ibinigay ni Macarana ang P2,000 niyang kinita at wallet niyang may lamang P200.
Matapos makuha ang mga pera ng biktima ay tila hindi pa umano nakuntento ang mga suspek at nagpapahatid pa ang mga ito pabalik sa Valenzuela.
Ngunit hindi pa man nakakalayo ay nakakuha ng pagkakataon ang biktima na gumawa ng eksena at ibinalagbag sa makakasalubong niyang van ang kanyang taxi saka bumaba ng kanyang pinapasadang sasakyan at humingi ng saklolo.
Doon na sinaklolohan ng nakakitang taumbayan ang biktima at sa galit ay pinaggugulpi ng mga ito ang dalawang supek.
Agad dumating ang mga tauhan ng barangay at naawat ang taumbayan saka binitbit sa pulisya ang mga suspek.
Bkit nyo binugbog? Tatahol nanaman ang CHR nyan..kasalanan yan ng driver kc nag paholdap cia..humanrigths para sa holdaper katarungan cgaw ng chr….