Dalawang drug suspect ang napatay sa buy-bust operation na ikinasa ng mga pulis sa Dela Paz Village, Barangay Dela Paz, Biñan City, Laguna kamakalawa ng gabi.
Batay sa report ng Biñan Police, bandang alas-11:30 ng gabi ng isagawa ang operation sa dalawang ‘di pa nakikilalang suspek.
Subalit sa kasagsagan ng transaksyon, nakahalata umano ang dalawa na mga pulis ang kanilang ka-deal kaya agad na nagbunot ang mga ito ng baril.
Nagresulta ito sa putukan na agad ikinamatay ng dalawang suspek.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang baril at mga sachet ng shabu.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawa.