Dalawang lalaking kapwa nasa listahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at sangkot sa serye ng holdap at nakawan ang napatay sa Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Christopher Timblique alias ‘Ibel’ at Russel Amado alias ‘Kasmot’ kapwa taga-Barangay Prenza, Marilao na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at nakumpiskahan ng cal. 22 pistol, improvised shotgun, 2 pakete ng shabu at isang pakete ng marijuana.

Dakong alas-9:45 ng gabi nang makapalitan ng putok ng mga pulis ang dalawang suspek sa Sitio Laot, Brgy. Prenza, Marilao na naging sanhi na agarang kamatayan ng mga ito.