2 lalaki sa buhay ni Karla ipinakilala kay Daniel

daniel-padilla-raymond-ford-ian-ford

Isang magandang Easter blessing at advance birthday gift ang natanggap ni Daniel Padilla.

Naka-post sa Instagram wall ng kanyang ina na si Karla Est­rada ang la­­­rawan ni Da­­niel at ang dalawang lalake. Ang mga ito’y ang lolo ni DJ at ang half-bro­ther ni Karla. Sa unang pagkakataon ay nagkita si Da­niel at ang lolo niya.

Ang pangya­ya­ring ito ay ma­tagal na niyang ipi­nagdarasal at inaasam. Feeling nasa cloud 9 ang pagkaka­salarawan ni Karla sa photo na ipinaskil niya.

Sinadya ng tatay ni Karla at kapatid niya ang show ni Daniel sa New Jersey para makilala ang apo. Nanood na rin sila ng show.

@karlaestrada1121, “mula Philadelpia to New Jersey naglakbay ang Tatay ko (Raymond Ford) at kapatid ko (Ian Ford) para mapanood ang grupo nina Daniel at Kath. Napakagandang larawan nito. Wa­la na kong mahihi­ling pa.”

Nasa Amerika ang gru­po ng KathNiel pa­ra sa series of shows. Doon na rin inabutan ng kaarawan si Kathryn.

Pagbalik nina Da­niel, ang kaarawan na­man niya ang isi-celebrate.

Pumapanig talaga ang mundo kay Karla dahil bukod sa magandang career niya at ni DJ, meron pa silang masayang pamilya.