Dalawang low pressure area (LPA) at isang tropical depression ang namataan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa silangang bahagi ng northern Luzon at inaasahang hahatak ito sa hanging habagat.
Namataan ang tropical depression sa eastern part ng Luzon at eastern part extreme northern part of Luzon subalit ayon sa PAGASA nakapakalayo pa sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing mga weather system.
Ayon kay Manny Mendoza, weather forecaster, nasa mahigit 3,000 kilometers at 2,000 kilometers ang mga ito at malayo rin umanong pumasok sa PAR at kung pumasok man ay dadaan lang umano sa dalisdis sa kanang bahagi ng bansa.
Subalit ang dalawang LPA at isang tropical depression ang siyang magpapaigting sa hanging habagat at mararandaman ito sa susunod na linggo.