WALEY: Puro hagikgikan ang narinig ko nang pinag-uusapan ang pagiging sweet ng dalawang male singers nang magsama sila sa isang show abroad.
Palagi silang magkasama. Ang sweet-sweet!
Malalagkit ang tinginan. Tapos, biglang magkikilitian. Maglalandian.
Ni-request pa nitong mas nakatatandang singer na magkasama sana sila sa room ng nakababatang singer na parang sunud-sunuran lang sa kanya.
Hindi na ako aware sa iba pang milagrong naganap sa kanila ibayong dagat.
Sa ngayon, medyo pinaghihiwalay muna itong dalawang male singers na ito na pinaglalaruan na rin lang ng showbiz.
Bakit, dahil sa gitna ng mga balita ukol sa kanilang kakaibang kilos at kampay, pilit nilang pinaniniwala ang mga tao na may mga kapwa babaeng singers na inili-link sa kanila?
Kaya siguro nagagalit ang langit at nag-uuulan at nagbababagyo ngayon!
***
HAVEY: Pagkatapos ng mataas na ratings ng Maalaala Mo Kaya na 31.6% over Magpakailanman’s 21.1% sa Nationwide Ratings noong Sabado, tuluy-tuloy ang training ng ating Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz in preparation sa kanyang susunod na laban.
Noong Friday ay pinanood niya ang Kuya Rocco Nacino niya sa Oh Boy sa Music Museum at bilang kapwa atleta, mukhang magkakatrabaho pa sila soon.
Isa pang ikinakatuwa ni Haidie ay ang patuloy na pagdating ng blessings sa kanya at sa kanyang pamilya.
Bago matapos ang buwan, dalawang commercials niya ang maaaring naiere na, bukod pa sa dagsa ng tulong sa kanyang gym para sa mga batang kababayan niya sa Zamboanga.
Thankful si Haidie sa lahat ng ito pati ang pagkakataong maalagaan at mag-bonding with her parents na kasama niya ngayon dito sa Maynila at pinaluwas niya from Zamboanga.
“Masaya po kami talaga. Naninibago lang ang mga magulang ko rito sa Maynila dahil sa tindi ng traffic,” sabi ni Haidie.
Isang nilu-look forward ni Haidie ay ang pagsasama nila sa isang proyekto ng kanyang idol na si Angel Locsin.
Mukhang magaganap ito bago matapos ang buwan ng Oktubre. Isang inspiring na pagsasama ito kapag nagkataon.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.