ZAMBOANGA CITY – Dalawang mamamahayag ang pinatay sa magkahiwalay na pag-atake ng riding-in-tandem sa Mindanao.

Sa ulat ng Mindanao PNP, pinagbabaril ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo si Rudy Alicaway, 46, sa Brgy. Culo sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur.

Pauwi na si Alicaway mula sa kanyang programa sa Radyo ng Bayan ng ito ay tambangan noong Linggo.

Nabawi sa crime scene ang mga basyo ng bala ng 9mm pistol at inaalam pa ang motibo sa pagpaslang sa radion commentator.

Sa hiwalay na insidente, pinaslang naman si Leo Diaz, reporter ng Radio Mindanao Network (RMN), sa Brgy. Kalanawi sa bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat.

Patungo umano ito sa Barangay Katiko ng tambangan ng mga armadong riding-in-tandem.

Masusing iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang kaso ng pagpaslang sa mga kagawad ng media.