Nagpatigasan ng leeg ang dalawang mambabatas at hindi nagpansinan sa isang okasyon kung saan kapwa imbitado ang mga ito.
Sa bibihirang pagkakataon ay nagkrus ang landas ng dalawang mambabatas na bagama’t walang palitan ng maaanghang na salita ay batid naman ng publiko kung gaano kalalim ang pagkamuhi sa isa’t isa.
Kapwa bisita kasi ang dalawang mambabatas sa Malacañang noong nakalipas na linggo dahil sa isang napakahalagang isyu at hindi naiwasang magpangita ang mga ito.
Sa buong panahon ng pag-uusap ng mga mambabatas ay hindi nagkaroon ng eye contact ang dalawa at para bang hindi nag-e-exist ang isa’t isa. In short, dedma!
Sa awa ng Diyos, natapos at nakaalis ang mga mambabatas sa Palasyo pero hindi natinag ang patigasan ng leeg ng dalawa kesehodang magka-stiff neck ang mga ito.
Clue: Ang mambabatas ay magaling sa paper trail at imbestigasyon. Ang isa naman ay na-master na ang The Art of Dedma kaya kahit anong bira o kontrobersyang kinasasangkutan ay hindi nagpapaapekto. (Aileen Taliping)