2 mangingisda pumatay ng dolphin, arestado

Kalaboso ang dalawang mangingisda matapos pumatay at maaktuhan pang hinihiwa ang isang spinner dolphin sa Valencia, Bohol.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Fisheries Administrative Order 208 ang mga nadakip na suspek na sina Roger Dairo Toquib, 44-anyos, at Diomedes Palac Sajulga Jr., 38-anyos, pawang mga residente ng Brgy. Cutcutan ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, isang residente ang nagbigay ng impormasyon sa kanila na hinihiwa ng dalawang suspek ang dolphin noong Bagong Taon.

Nang magpunta ang mga awtoridad sa nasabing lugar ay nahuli sa akto ang dalawa sa pagpatay sa isang dolphin. Nakuha sa mga ito ang kutsil­yong ginamit sa pagpatay sa dolphin na tinatayang may habang dalawang metro at bigat na 40 kilos.

Kapag napatunayang nagkasala ay kakaharapin ng da­lawa ang 12 hanggang 20-­taong pagkakulong o multang P120,000.