2 Marines nasawi sa Palawan ambush

Dalawang tauhan ng Philippine Marines ang nasawi sa naganap na pananambang ng mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Roxas, Palawan, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng mga tama ng punglo ng .9mm at .45 pistols sa katawan ang mga biktimang sina Pfc. Joene Gagogas Galiste at Pvt. James Melchor Porol, kapwa miyembro ng Marine Batallion Landing Team (MBLT) 12.

Sa report ni Sr. Supt. Gabriel Lopez, director ng Palawan Police, bandang alas-7:20 ng umaga nang tambangan sa Purok Magsarungsong, Barangay Magara matapos mamalengke ang mga biktima.

Ayon sa mga saksi, nang makumpirnang wal­a nang buhay ang dalawang marines ay naglakad lamang na parang walang nangyaring krimen ang mga salarin.