Patay sa pamamaril ang dalawang mamahayag sa magkahiwalay na lugar sa Zamboanga at Sultan Kudarat kamakalawa.

Bandang ala-1:15 ng hapon noong Linggo, nang barilin gamit ang cal. 9mm at mapatay ng riding-in-tandem si Rudy Dahunan Alicaway, 46, reporter ng DXPB 106.9 Radyo Ng Bayan Molave sa Sitio Lopez, Barangay Culo, Molave sa Zamboanga del Sur habang papauwi sakay ng motorsiklo.

Kahapon naman ng alas-8:55 ng umaga nang tambangan din ng riding-in-tandem si Leodoro Diaz, correspondent ng Manila Bulletin at ng Sapol tabloid sa bahagi naman ng Kalanawe II, President Quirino, Sultan Kudarat.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nasa likod ng krimen.