Patay ang dalawang miyembro ng robbery holdup at gun for hire group sa buy-bust operation na nauwi sa engkwentro sa Sta. Rosa City, Laguna noong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ng Sta. Rosa City Police ang mga napatay na sina Bernaldo Mendoza at Jorge Almendra.
Si Mendoza ang umano’y leader ng grupo na sangkot sa serye ng iba’t ibang krimen sa Quezon province at mga karatig probinsya.
Sangkot din ang grupo sa illegal drug trade at mayroon ding warrant of arrest si Mendoza sa kasong murder kaugnay sa pagkakapatay sa isang pulis sa Camarines Sur noong 2015.
Si Almendra naman na konektado rin sa drug group sa Laguna ay siya naman umanong kolektor ng drug money ng sindikato at siya ring spotter at taga-survey sa kanilang mga bibiktimahin at lolooban.
Batay sa report ng Sta. Rosa City Police, nakipagbarilan ang dalawa sa mga miyembro ng Laguna at Quezon Police na nagsagawa ng operasyon sa Brgy. Tagapo alas-9:30 ng gabi.
Nagkunwaring bibili ng baril mula sa mga suspek ang isang operatiba subalit natunugan ito ng dalawa kaya nauwi sa barilan ng insidente.
Narekober sa mga napatay na suspek ang dalawang 38 revolber at isang klibre. 45 baril. (Ronilo Dagos)