2 mining firm sa Eastern Samar sinuspinde ng DENR

Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng dalawa pang mining companies sa Eastern Samar dahil sa umano’y polusyong idinudulot nito sa mga ilog.

Ayon kay DENR Secretary Gina Lopez, kanselado na ang permit ng Mt. Sinai Mining Corporation at Emir Minerals Resources Corporation.

Ipinahayag naman ni DENR Undersecretary Leo Jasareno na sobrang naapektuhan ng polusyon ang mga ilog sa dalawang bayan ng Eastern Samar na nagiging sanhi ng pagbabaw nito dahil sa hindi tamang paraan ng pagmimina.