Sa loob lamang ng dalawang minuto ay isang lalaking sangkot diumano sa iligal na droga ang tumimbuwang nang makasagupa ang mga elemento ng pulisya sa isinagawang drug-bust operation sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.
Sanhi ng tinamong tatlong tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa dibdib ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente si Raffy Cajeda, nasa hustong gulang, residente ng Manggahan, Barangay Talon Dos, Las Piñas City makaraan ang maiksing pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis.
Lumalabas sa ulat ng pulisya na dakong alas-otso ng gabi nang maganap ang insidente sa Mangahan St. ng nasabing lungsod.
Base sa report ni Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Las Piñas City Police, si Cajeda ay kabilang sa drug watchlist ng kanilang barangay kaya nagsagawa ng buy-bust operation laban dito.
Sinabi pa ni Modequillo na nakatunog ang suspect na may mga pulis na nakaantabay kung saan magaganap ang bentahan ng iligal na droga kaya bago pa man ang bilihan ay bumunot kaagad ito ng baril hanggang magkapalitan ng putok ang magkabilang panig.
Pagkalipas ng dalawang minutong palitan ng putok ng magkabilang panig ay bumulagta si Cajeda at agarang nasawi.
Sa pinangyarihan ng insidente ay nakarekober ang mga awtoridad sa suspect ng anim na plastic sachet ng shabu at kalibre .38 na ginamit ng suspect sa pamamaril.
Ang labi naman ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Peoples Funeral Homes upang isailalim sa awtopsiya.
las pinas, manila, caloocan, navotas, pasay, taguig naku talamak drug pushing dyan. sa mga squatter nagtatago mga pusher. kasabwat pa barangay officials.
mga adik at tulak sige laban pa more para 1 minuto na lang tapos na kayo.