Di naging hadlang ang pinapairal na enhanced community quarantine para dakpin ang mga nakatalang number 1 at number 2 most wanted persons sa Nueva Ecija.
Sa mga report na nakarating sa tanggapan ni Police Colonel Leon Victor Rosete, NE police director, nakilala ang mga naaresto na sina Marcelo Caratiquit Simeon, 59, residente ng Brgy. Pantoc Bulac, Talavera, at si Glenn Pablo Sarmiento, 31, ng Sitio Hacienda,Brgy. Bulak, Gapan City, kapwa sa Nueva Ecija.
Ayon kay Pol. Lt. Col. Alexie Desamito, naaresto si Simeon batay na rin sa warrant of arrest para sa kasong `robbery with Homicide.’
Si Simeon ay nakatalang Number 1 Most Wanted ng Talavera at ang WOA ay inisyu ni Hon. Maria
Amifaith S. Fider-Reyes, ng RTC Branch 42, City of San Fernando Pampanga.
Nakatala naman si Sarmiento bilang Top 2 most Wanted sa Gapan City at magkatulong ang city police, Regional Mobile Force Batallion 3, 303rd Maneuver Company, na pinangunahan ni Pol. Lt. Col. Crizelda de Guzman. (Jojo de Guzman)