2 nahulihan ng shabu

Arestado ang dala­wang magkaibigang lalaki matapos na mahulihan ng hinihinalang pakete ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station VI, alas-2:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente habang nagroronda ang mga tauhan ng Barangay Batasan Hills sa kahabaan ng Filinvest I nang mamataan ang magkaibigang sina Raffy Rosario at John Luis Sotio na magkaangkas na lulan ng iisang motorsiklo.

Pinara umano ang dalawa na nataranta at nang kapkapan ay doon na nila nakita sa mga beywang ng mga ito ang tig-isang sachet ng hinihinalang shabu.

Binitbit ang dalawa sa pulisya ngunit pagdating doon ay nagturuan ang mga ito kung sino ang nagmamay-ari ng shabu.