Patay ang dalawang katao na sangkot sa carnapping at iligal na droga nang kumasa umano laban sa mga awtoridad sa follow up operation sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.
Kinilala ang mga napatay na sina Adriano Fernando, Brgy. Bayan Luma, Imus City at Mark Anthony Diamante, ng Brgy. Lumbreras, GMA.
Sa ulat ng Kawit Police, nakatanggap sila ng sumbong tungkol sa pagtangay ng itim na motorsiklong Honda Supremo alas-11:00 kamakalawa ng gabi sa
Sa ulat ni PSMS Roldan Requioma ng Kawit Municpal Police Station, bago ang insidente, isang Wendel Guia, 45, isang driver ang dumulog sa kanlang tanggapan matapos na tangayin ang kanyang kulay itim na motorsiklong Honda Supremo dakong alas-11:00 kamakalwa ng gabi sa Centennial highway sa Brgy Tabon 1, Kawit, Cavite.
Ayon pa sa biktima, kasama na tinangay ng suspek ang kanyang sling bag na naglalaman ng cash at mga importanteng dokomento. Dahil dito nagsagawa ng operasyon ang pulisya hanggang maispatan sa nasabing lugar si Fernando at ninakaw na motorsiklo alas-tres ng madaling-araw kahapon.
Nang mapansin umano nito ang mga awtoridad, pinababa niya ang angkas para tumakas saka pinaputukan ang mga pulis na gumanti ng putok at nagresulta sa kamatayan nito.
Nakuha kay Fernando ang sling bag ng bikitma, cellphone, P1,500 cash at kalibre 9mm na baril.
Samantala, alas-12:30 kahapon ng madaling araw nang nagsagawa ng buy-bust operation ang General Mariano Alvarez Municipal Police sa kahabaan ng Mayor’s Drive, Brgy. Olaes at target si Diamante.
Sa kalagitnaan ng transaksiyon ng suspek at poseur buyer ay nahalata nitong pulis ang kanyang kausap dahilan upang itulak nito, bumunot umano ng baril at paputukan ang buyer pero nagmintis kaya gumanti ang awtoridad na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Nakuha sa suspek ang isang kalibre 9mm na baril at tinatayang 10.09 gramo ng shabu na may street value na P68,600. (Gene Adsuara)