Naalarma ang ilang mga opisyal at ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagbabalik sa puwesto ng dalawang dating opisyal ng NBI na umano’y posibleng makagulo sa maayos na sistema at kalakaran sa loob ng kawanihan .
“In the past days, we saw former officials here who claimed they will be reinstated to their former positions after they testify against De Lima , we are not in the position to oppose , but we are worried that it might disrupt the present harmony,” ayon sa isang insider ng kawanihan na ayaw magpabanggit ng pangalan.
Kinumpirma ng source na bukod sa pagbabalik sa puwesto ni Rafael Ragos, na ngayon ay nakatalaga sa Office of the Director , gayundin si dating Deputy Director for Intelligence Reynaldo Esmeralda, na kamakailan ay biglang sumulpot sa NBI at nagsabing magte-testify din siya laban kay De Lima.
Si Esmeralda ay tinanggal noon ni De Lima sa NBI matapos na masangkot sa bribery at corruption.
Kasabay nito, Ipinagtanggol ng source na hanggang ngayon, dalawang deputy director ng kawanihan ang nananatiling ‘in acting capacity’ dahil sa kawalan ng appointment papers mula sa Malacanang.
“These two deputy directors are hardworking with integrity and competent, they also rose from the ranks and yet it has been more than three years, unti now wala pa rin,” sabi pa nito.
Kinilala ang dalawa na sina NBI Spokesman Ferdinand Lavine at Deputy Director for Administration Rachel Angeles.
Binatikos naman ni De Lima ang reinstatement nina Ramos at Esmeralda.
“I am sure that old-timers and honest officials and agents at the NBI don’t like having Ragos around their office once again,” sabi pa ni De Lima.
Patuloy umanong tumatanggap ng suweldo si Ragos bilang deputy director kahit nasa ilalim ito ng Witness Protection Program bukod sa allowance bilang state witness.