Timbog sa drug operation ng Cavite Provincial Intelligence Branch ang dalawang Nigerian National, habang nakatakas naman ang isa nitong kasabwat, pasado alas-9:00 nang gabi kamakalawa sa Brgy. Sto. Niño Dasmariñas City, Cavite
Nabatid na nakabili ng halagang 500 pesos na shabu ang poseur buyer sa mga suspek na sina John Ude alyas Duds, 33; Sunday Oguwike, 39; at nakatakas na si Al Motus.
Nakuha kay Udeh ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, habang nabisto naman ang halos 100 gramo ng shabu na itinago ni Oguwike sa kanyang underwear.
Tinatayang nasa humigit kumulang P680,000 ang halaga ng narekober na droga sa mga dayuhan.