Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pulisya kaugnay sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaki at pagkasugat sa babaeng kasama nito habang nasa loob ng isang resto bar kamakalawa ng hapon sa Parang, Maguindanao.
Dalawang tama ng bala sa ulo ang sanhi ng agarang kamatayan ng biktimang si Kalil Sarosong, 27, habang isang daplis sa braso ang tinamo ng kasama nitong babae na hindi na kinilala.
Nabatid na nasa loob ng isang resto bar ang mga biktima sa Market Site, Barangay Sarmiento nang lapitan at pagbabarilin ng salarin na tumakas agad.