2 Novo Ecijano humabol sa Undas

dead-body

GUIMBA, Nueva Ecija — Dalawang lalaki ang humabol pa sa Undas makaraang maging biktima ng magkahiwalay na aksidente sa bayang ito.

Ayon sa ulat, nakilala ang mga biktima na sina Joselito Asuncion Cabral, 50, residente ng Brgy. Camiing at Angelo Ubrero Domingo, 20 ng Brgy. Guiset, kapwa sa bayang ito.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Angelito Arellano dakong alas-9:10 ng umaga noong Sabado nang i-report ukol sa natagpuang bangkay na kinilalang si Cabral na nalunod umano sa fishpond dahil sa kalasingan.

Bumangga naman ang nakamotorsiklong si Domingo sa nakahintong handtractor sa kahabaan ng Talugtog-Guimba road Huwebes ng gabi dahil walang tail light at may 4 na pasahero.

Binawian ng buhay si Domingo bago makara­ting sa ospital at pinaghahanap pa ang tumakas na handtractor operator.