2 Pakistani timbog sa tulak-online

Dalawang Pakistani national ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta online ng iligal na droga na naka-package bilang mga sex enhancer.

Nakilala ang mga suspek na sina Azhar at Tamoor na naaresto sa drug buy-bust operation nitong Lunes sa Parañaque City.

Nakumpiska ang walong heat-sealed plastic bag na naglalaman ng 12 golden carton box.

Ayon sa NBI, nag-ugat ang operasyon sa natanggap nilang tip na nagsasagawa umano ng pagbebenta ng iligal na droga sa may lugar sa Parañaque.

Iprinisinta na para sa inquest proceeding sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang dayuhan. (Lorraine Gamo)