Dalawang pulis mula sa Quirino province ang sinibak na sa puwesto matapos magpositibo sa confirmatory drug test sa Camp Crame.

Ito ang kinumpirma ni Quirino Police Provincial Office (QPPO) director Sr. Supt. Merwin Cuar­teros, makaraang pinal nang ilabas ang resulta sa pagsusuri sa isang SPO1 na kasapi ng Nagtipunan Police Station at isang SPO3 mula sa Quirino Public Safety Company.

Sinabi pa ni Cuarteros na matagal nang pinagsabihan ang dalawang pulis ng kanilang officers subalit hindi nakinig hanggang sa magpositibo sila sa drug test at confirmatory drug test sa Camp Crame.

Isinailalim na sa imbestigasyon ang dalawang pulis sa Police Regional Office No. 2 sa Tugue­garao City.