2 parak tumakas sa random drug test

drug-test

Ibinuking ni Manila Police District (MPD) director Senior Supt. Vicente Danao Jr. na dalawang pulis ang umeskapo matapos niyang ianunsiyo ang isang random drug test pagkatapos ng Flag rai­sing ceremony noong Lunes.

“I am giving them a chance to show up as part of due process but they will be charged with AWOL (absence without leave) if they don’t report immediately,” banta ni Danao.

Ayon kay Danao, ang isa sa kanila ay nakatalaga sa district holding at accounting unit pero tumanggi siyang tukuyin ang mga pangalan nito.

Sinabi ng opisyal na pagbibigyan muna niyang makapagpaliwanag ang dalawang umeskapo sa drug test bago sila gawan ng kaukulang aksyon.

“No police official will be happy if they know that there men are into drugs. Imagine, you’re a policeman, how can you serve and protect if you are consi­dered a problem of the society,” dagdag pa ni Danao.

Iniutos din ni Danao sa kanyang mga tauhan na bigyan ng ‘utmost courtesy’ ang mga sibilyan at huwag silang paghintayin sa loob ng istasyon ng pulisya.