Patay ang dalawang bata matapos malunod sa ilog sa Dumacaa river sa Sitio Tiis, Barangay Gulang-Gulang, Lucena City, nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina JB Manzandis Elorde, apat na taong gulang at Angela Etam Parado, 8 anyos.
Sa report ng Lucena police, alas-kwatro ng hapon ng maligo ang dalawa sa ilog kasama ang apat nilang kasamahan.
Natangay umano ng malakas na agos ng tubig ang dalawang biktima patungo sa malalim na bahagi ng ilog.
Hatinggabi na ng makitang lulutang-lutang sa ilog ang bangkay ng dalawang paslit.