Makaraan ang tatlong araw na pagkawala, nadiskubre ang bangkay ng magkapatid na nalunod sa ilog ng Sitio Malalim na Ilat, Barangay Humayingan, Lian, Batangas kamakalawa ng hapon.
Ayon sa Lian Police, Miyerkules pa ng umaga noong Setyemre 14 nang huling makitang buhay ang mga biktimang sina Rain Esavedra y Sale, 7-anyos at Nash Esavedra y Sale, 5, na patungo sa ‘di kalayuang ilog.
Teoriya ng mga awtoridad, malamang na naglaro at naligo ang mga bata sa ilog sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.
Posible umanong lumaki ang tubig sa ilog at naanod ang dalawa sa malalim na bahagi na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.