Nagnegatibo na sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang pasyente sa Dagupan City, Pangasinan, ayon sa Region 1 Medical Center (R1MC).

Noong Martes, sa Facebook official page ng R1MC, kinumpirma ang isang na nagnegatibo sa nasabing virus ay isang 50-anyos na babae na taga-Brgy. Lucao at 37-anyos na lalaki na taga-Bonuan Gueset.

Pinauwi na umano ang dalawang pasyente.

Sa isang radio interview, humingi pa ng kooperasyon sa publiko si Dagupan City Mayor March Brian Lim makaraang wala nang naitatala na bagong kaso ng virus mula noong April 6.

“Stay at home if you have nothing important to do outside. And if you go out, wear a face mask as it is seen necessary in preventing the spread of Covid-19,” ani Lim.

Sa mga naging kaso sa lungsod, 6 ang kumpirmado, 2 dito ay gumaling na, 1 ang nasa ospital, 2 naman ang naka-home quarantine habang isa ang nasawi. (Allan Bergonia)