Dalawang drug pusher ang napatay habang apat na iba pa ang nadakip makaraang magsagawa ng anti-illegal drug operation ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa Bulacan at Pampanga kamakalawa.
Sa report ni P/Chief Supt. Amador V. Corpus, regional director ng PRO3, nakilala ang napatay na sina alyas ‘Totoy’ ng Bgy. Tigbe, Norzagaray at alyas ‘Castro’ ng Minuyan Proper, San Jose del Monte (SJDM) kapwa sa Bulacan na nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan at nakumpiskahan ng caliber 38 rebolber, sumpak at 46 pakete ng shabu.
Nadakip naman sina Rolando Mercado ng Bgy. San Vicente, Sto. Tomas; Michael Mallari, 40, ng Bgy. Del Rosario, San Fernando City; Richard Lapuz, 40, at Manuel Osias Jr., 37, binata, kapwa ng Bgy. San Isidro, Magalang, pawang sa Pampanga.
Nakumpiskahan sila ng 22 pakete ng shabu sa buy-bust operation.