2 patay sa bagok at talisod

Isang matandang lalaki na natagpuang nakaupo pa sa inidoro at isa pang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagkabagok at pagkatalisod sa Lungsod ng Valenzuela kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Valenzuela City Police ay ganap umanong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang wala nang buhay na biktimang si Josefino Peralta, 73, ng 7th Street, Barangay Parada ng nasabing lungsod sa loob ng banyo sa kanilang bahay ng kanyang caregi­ver na si Rowena De Jesus.

Ayon kay De Jesus ay may katagalan umanong nasa loob ng banyo ang kanyang inaalagaang ma­tanda. Kinatok niya ito pero ‘di kumikibo hanggang sa pinasok na niya sa loob ang matanda at laking gulat niya nang makitang nakaupo ito sa inidoro at ­hindi na gumagalaw.

Ganap naman na alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ang labi ng biktimang si Ernesto Bertida Larga, nasa hustong gulang sa tinitirahang barung-­barong sa Area V, Pina­lagad, Barangay Malinta ng nasabi ring lungsod.

Noong Pebrero 28 ay natalisod ito at nabagok ang ulo sa semento, pero tumangging magpadala sa pagamutan. Hanggang sa kamakalawa nga ng gabi ay makita na nila itong wala nang buhay.