Patay ang dalawang babae makaraang sumalpok sa malaking puno ang kotse ng mga ito kahapon ng umaga sa bayan ng Basud, Camarines Norte.
Kinilala ang isa sa nasawi na si Breniz Grexymae Bigtasin Baruiz, residente ng Parañaque City, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa.
Malubha naman ang lagay ng dalawa nilang kasamahan na nakilalang si Leborio Binerza at Guen Baruiz.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:40 ng umaga sa kahabaan ng Purok 3, Barangay Pagsangahan kung saan lulan ng KIA Picanto ang mga biktima galing ng Sorsogon at pabalik na sana ng Maynila.
Mabilis umano ang takbo ng kotse nang biglang pumutok ang unahang gulong nito dahilan upang sumalpok sa malaking puno ng talisay.