2 patay sa karambola ng 3 sasakyan

Kumitil ng dalawang buhay at nasugatan ang 11 katao sa nangyaring karambola ng tatlong sasakyan sa Sultan Kudarat.

Kinilala ni Supt. Aldrin Gonzales, spokesperson ng Police Regional Office 12, ang mga nasawing sina Herson at Gio MatunĀ­ding na sakay ng Toyota Avanza at patungo sana sa Cotabato City.

Nasugatan naman sina Vincent Mark Bablos, Maria Socias, Benjie Biaca, Marivic Alcano, Marga Quintos, Ken Quintos, Josefina Puentoba, Danny Vicente, Vever Tomandang, Ernesto Gulmatico at Victoriano Gulmatico.

Nangyari ang insidente alas-sais nang gabi kamakalawa sa Esperanza National Highway nang magbanggaan ang isang trak, Mitsubishi Strada pickup at sasakyan ng mga nasawi.

Rumesponde sa lugar ang Sultan Kudarat Rescue at Esperanza Rescue Team at dinala sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang mga sugatang biktima. (PNA)