2 patay sa Laguna drug operation

Napatay ang magkapatid na drug personalities na kabilang sa high value target ng Laguna-PNP sa isang drug operation sa Brgy. Paciano Rizal, Bay, Laguna kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Daniel Carandang at Mauro Carandang na kapwa umano mi­yembro ng Tirtir Gang.

Ayon sa imbestigasyon ng Bay Police, maghahain umano ng search warrant at warrant of arrest sa magpinsang sina Bobby Lacela Carandang at sa napatay na si Daniel kaugnay sa kasong iligal na droga ng mauwi sa engkwentro ang insidente.

Narekober sa dalawang nasawi ang dalawang baril, shabu, cash money at iba pang personal na gamit ng mga suspek.