2 patay sa N. Ecija road mishap

PALAYAN CITY, Nueva Ecija — Dalawang binatilyo ang nasawi at sugatan ang ikatlo nilang kasamahan makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa dump truck noong Biyernes ng hapon sa Nueva Ecija-Aurora Road sa lungsod na ito.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Arnel Santiago, nakilala ang mga nasawi na sina Jeford Fermanez Blanker, 14 at Ivan Lacandula Alberto, 13 at sugatan naman si John Paul Barrientos Sarmiento, 14, pawang mga mag-aaral at residente ng Brgy. Marcos Village rito.

Nabatid na dakong alas-tres ng hapon nang mawalan ng preno ang motor ng tatlong biktima kaya bumunggo sa papatawid na dump truck.

Patuloy namang pinaghahanap ang driver ng truck na kaagad na tumakas.