2 patay sa salpok ng ambulansiya

Dalawang sakay ng kotse ang nasawi makaraang mabundol ng rumaragasang ambulansiya noong Biyernes nang gabi sa kahabaan ng by-pass road sakop ng Barangay Andal Aliño, Talavera, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Alexie Desamito, ang nasawi ay sina Marc David Nicolas Villaroman, 24, taga-#141 Sawmill, CLSU, Muñoz, Nueva Ecija at kasama nitong ‘di pa nakikilala.

Nabatid na dakong alas-5:50 nang gabi patungong hilaga ang ambulansiya na may plakang CAA 8176 at minamaneho ni Syrus Domingo Abad, 39, ng Brgy. Sta. Veronica,

Guimba, Nueva Ecija.

Lulan umano ng ambulansiya sina Maureen Ongsingco Abad, 39, BIR clerk at Janet Mendoza Cudalina, 36, Philhealth officer, kapwa taga-Guimba, Nueva Ecija nang makasalubong ang kotse ng mga biktima na may plakang ABI 7038, na biglang sumalpok sa ambulansiya.

Agaw-buhay na dinala sa Talavera General Hospital ang mga biktima subali’t ‘di na uma­bot ng buhay. (Jojo de Guzman)