2 patay sa van bumuyangyang

2 patay sa van bumuyangyangAyon kay Police Col. Marlon Santos, director ng Cavite Police Provincial Office, kapwa naaag­nas na ang dalawang biktima.

Tinataya ang mga itong nasa edad 35-40 at may nakapalupot na tela sa kanilang mga leeg.

Hinala ng pulisya, pinatay sa sakal ang mga biktima. Narekober sa sasakyan ang dalawang driver’s license ng dalawang van driver na sinasabing kapwa tubong Oriental Mindoro ngunit pansamantalang hindi muna pinangalanan.

“Ito palang van ay inarkila mula Oriental Mindoro at ang naging driver ay ‘yong dalawa. Kausap na namin at na-notify na ang immediate family and they are advised to proceed here,” ayon kay Santos.

Ayon sa mga residente, Miyerkoles pa lang ng madaling-araw ay napansin na nila ang nakaparadang van at pagsapit ng Biyernes ay ini-report na ito sa mga pulis nang mapansin ng mga batang naglalaro ang hindi kanais-nais na amoy mula sa sasakyan.

Inaalam ngayon ng Cavite Police kung kanino nakarehistro ang van. (Vick Aquino)