Tumapos na ika-18 puwesto ang papa­angat na batang fi­gure ska­ter ng bansa na si Diane Gab­rielle Agui­lar Panlilio mula sa 33 naglaban at maging top Southeast Asians fi­nisher sa short program sa 1st Children of Asia Winter Games sa Sakhalin, Russia.

Nagtala ang 15-an­yos na beterano ng World Junior Grand Prix ng 33.45 points na kanyang season best.

Nagsayaw sa tugtog ng ‘Big Spender’, binanda ni Panlilio ang mapanghamong routine kahit galing sa pulled hamstring injury nito lang Enero.

Hindi inaasahan ni Panlilio ang pagtapak sa Top 20 dahil sa mahuhusay na kalaban mula sa South Korea at Russia.

Ang kakampi nito na si Skye Chua ay hindi din nagpaiwan sa unang pagsali sa internasyonal na kompetisyon nang lumagak sa ika-22 pusis­yon sa 31.09 pts.

Dinaig ng dala­wang Pinoy ang iba pang mga kalahok mula sa Hong ­Kong, Thailand, Uzbekistan, Turkmenis­tan, Kyrgyztan at iba pa sa Asya kung saan nakatakda pa ang mga itong sumabak sa Long program na asam ang Top 15.