2 Pinay teen, bronze sa world junior bowling

2 Pinay teen, bronze sa world junior bowling

Binida nina Norel Nuevo at Grace Gella ang Pilipinas sa pagsama sa podium finisher sa pagsikwat ng dalawang bronze medal sa 1st World Junior Bow­ling Championships 2019 sa 28-lane Plaza Bowling sa Saint-Maximin, France, 40 milya mula sa Paris.

Pinaramdam na maa­ring maging kinabukasan sila ng PH sport, muntik mag-finals si Nuevo kundi lang nasingitan ng South Korean Soree Hung sa Final 4 girls masters event ng 5-day day bowlfest noong March 17-23.

‘Di nagpahuli si Gella nang magtala ng ave­rage na 229 sa six games para naman sa girls singles bronze na pinaghatian nila ni Peppi Konsteri ng Finland na nag-231.17 per game.

“It’s another proud moment for Philippine bowling on the world stage,’’ lahad Linggo ng hapon ni Philippine Bowling Federation secretary general Olivia ‘Bong’ Coo sa dalawang tinedyer na sunod na sasabakan ang Asian Youth Bowling Championships sa Kuching, Malaysia sa Abril 17-25.

“They performed well. Just the same, all of us are happy with their achievement,’’ hirit ni Coo, na four-time world bowling champion at most decorated Filipino athlete sa national team stint sa kanyang kabataan.