Dinakma ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation Group at Angeles City Police ang tatlong lalaki, kabilang ang isang Korean national makaraang ikasa ang buy-bust operation sa nasabing lungsod.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Arnel Gamboa Ordoñez alyas ‘Jake’, Rusty Laurio Aquino alyas ‘Rusty’ at Lee Je Gil, na naaresto ala-1:30 Miyerkoles nang madaling-araw sa A. Santos St., Brgy. Bali­bago.

Miyembro umano si Ordoñez ng kilabot na Sarip drug syndicate na may malawak na operayon sa Central Luzon at karatig-lugar nito, habang sina Aquino at Lee ay naaktuhang nagpa-pot session.

Nakumpiska mula sa posesyon ni Ordoñez ang isang kalibre .38 revolver, limang bala, P2,000 marked money, 6 na sachet ng shabu na may timbang na 15 gramo, drug paraphernalia at bag na nagla­laman ng P2,000 cash at iba’t ibang identification card.